Signal no. 3 nakataas na sa Isabela dahil sa Bagyong #OmpongPH

Magsisimula nang maranasan ang malakas na mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa habang tinutumbok ng Bagyong Ombong ang Northern Luzon

Ito ay matapos itaas ng PAGASA ang signals number 2 at 3 sa ilang mga lugar.

Sa 5am press briefing ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 655 kilometro Silangan ng Infanta, Quezon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometro kada oras.

Kumikilos na ito sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nakataas na ang Signal no. 3 sa lalawigan ng Isabela.

Signal no. 2 naman sa mga sumusunod na lugar:

Batanes
Cagayan incl. Babuyan group of Islands
Ilocos Norte
Ilocos Sur Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
La Union
Benguet
Nueva Vizcaya
Quirino
Pangasinan
Nueva Ecija
Aurora
at Tarlac.

Signal number 1 naman ang nakataas sa:

Pampanga
Bataan
Zambales
Bulacan
Rizal
Metro Manila
Cavite
Batangas
Laguna
Quezon incl. Polillo Island
Northern Occidental Mindoro incl. Lubang Island
Northern Oriental Mindoro
Masbate
Marinduque
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Burias and Ticao Island
at Northern Samar.

Malakas na pag-ulan ang inaasahan sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 2 at 3 habang paminsan-minsang mga pag-ulan ang mararanasan sa signal number 1.

Inaasahan pa ring tatama ang bagyo sa Cagayan-Isabela area bukas ng umaga.

Samantala, pinalalakas ng bagyo ang Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Visayas habang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.

Mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga baybaying dagat na nakasailalim sa tropical cyclone warning signals at eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Signal no. 3 nakataas na sa Isabela dahil sa Bagyong #OmpongPH appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers