Bagyong Ompong humina na habang papalabas ng bansa
Humina at papalabas na ng Northern Luzon ang Bagyong Ompong.
Sa 12 noon weather bulletin ng Pagasa huling namataan ang bagyo 30 kilometro sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 170-kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 260-kilometers per hour.
Kumikilos ito ng pa-kanluran sa bilis na 25 kph.
Inalis na rin ng Pagasa ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 4 sa ilang lugar.
Gayunman, nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 3 ang sumusunod na lugar : Cagayan, Babuyan Group Of Islands, Batanes, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao at Abra.
Samantala, nasa Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Quirino, Pampanga at Bulacan
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa lalawigan ng Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Lubang Island, Northern Quezon kasama ang Polillo Island.
Inaasahan na mamayang gabi o bukas ng umaga ay tuluyan nang makakalabas sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) ang bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Bagyong Ompong humina na habang papalabas ng bansa appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar