Postingan

Ilang flights, kanselado dahil sa pag-aalburuto ng Mount Agung sa Bali

Kinansela ang ilang flights dahil sa pag-aalburuto ng bulkan sa Denpasar sa Bali, Indonesia. Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa cancelled flights ay ang mga sumusunod: Cebu Pacific: – 5J279 (Manila-Denpasar) – 5J280 (Denpasar-Manila) Air Asia – Z2232 (Denpasar-Manila) Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airlines para sa rebooking o refund. Batay sa pinakahuling balita, pumutok muli ang Mount Agung kaya isinara muna ang paliparan sa Denpasar. Ayon sa National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, aabot sa 450 flights ang kanselado, na naka-apekto sa mahigit pitumpung libong pasahero mula sa iba’t ibang panig ng mundo.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Ilang flights, kanselado...

‘Destab plan’ vs Duterte hindi galing sa Simbahang Katolika – CBCP

Mariing pinabulaanan ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang paratang na sangkot ang Simbahang Katolika sa umano’y tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Bishop Reynaldo Evangelista, public affairs chairman ng CBCP, wala itong katotohanan at gawa-gawa lamang ito ng sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon. Ayon kay Bishop Evangelista, kung mayroon mang pagtatangka para patalsikin si Pangulong Duterte, hindi ito manggagaling sa Simbahan. Una ng pinalutang ni Pastor Boy Saycon na ang tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte ay may kinalaman sa pagbatiko nito palagi sa Simbahang Katolika. Dumistansya naman dito ang Malacañang at pinayuhan si Saycon na maging maingat sa paglalabas ng mga sensitibong impormasyon. Source link The post ‘Destab plan’ vs Duterte hindi galing sa Simbahang Katolika – CBCP appeared first on - News Portal Philippines .

Mandatory drug test sa mga bata, may implikasyon sa karapatang pantao – DepEd

Posibleng magkaroon ng implikasyon sa karapatang pantao at makaapekto sa mga bata ang panukalang isailalim sa drug test sa mga estudyanteng 10 taong gulang pataas, ayon sa Department of Education. Ipinahayag ni Education Secretary Leonor Briones na gumagawa na ng mga hakbang ang Kagawaran para pigilan ang paglaganap ng droga sa 14 milyong kabataan. Tinawag ni Briones na “bangungot” o “administrative nightmare” ang panukalang pagsasailalim sa drug test ng milyun-milyong estudyante. Sinabi rin ni Briones na nais ng kagawaran na protektahan ang pagkakakilanlan ng mga bata. Aniya, hindi dapat itong maging basehan ng expulsion o ng grades ng estudyante. Dagdag ng kalihim, kung madiskubre mang may ugnayan ang bata sa droga, hindi ito dapat ilagay sa kanyang record at sa halip, gamutin at protektahan ito. Isiniusulong ito ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mandatory drug testing sa mga guro at mga estudyanteng nasa grade 4 pataas. Gayunman, ayon sa DepEd, sa ilalim ng Dangerous ...

2 estudyante arestado sa pagnanakaw sa mall sa Mandaluyong

Inaresto ang dalawang estudyante dahil sa pagnanakaw ng P42,000 halaga ng gamit sa isang mall sa Mandaluyong City. Nakilala ng pulisya ang mga suspek na sina Trusha Umali Rana at Lance Alano Abad. Ayon sa ulat ng pulisya, pumasok sa mall ang dalawa dakong alas-5:00 ng hapon at sinimulan ang asjoplifting. Inireklamo ni Dexter Bañes ang dalawa matapos bigong magpakita ng resibo ang mga ito. Nasa kustodiya ng Mandaluyong City Police ang dalawa. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post 2 estudyante arestado sa pagnanakaw sa mall sa Mandaluyong appeared first on - News Portal Philippines .

‘Florita,’ lalo pang lumakas, nasa storm category na

Lalo pang lumakas ang bagyong Florita na ngayon ay iniakyat na sa ikalawang kategorya ng Pagasa bilang tropical storm. Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 860 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes. Taglay na nito ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 […] The post ‘Florita,’ lalo pang lumakas, nasa storm category na appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post ‘Florita,’ lalo pang lumakas, nasa storm category na appeared first on - News Portal Philippines .

Kaso laban sa napagbintangang suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, ibinasura na ng korte

Pinagbigyan ng korte sa Cabanatuan City ang pagbawi sa kasong isinampa laban kay Adel Roll Milan, ang napagkamalang suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo. Sa desisyon ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 27 pinaburan nito ang urgent motion to withdraw information na inihain ng provincial prosecutor. Ipinag-utos din ng korte na agarang mai-release mula sa kostodiya ng pulis si Milan. Binawi ng piskalya ang kaso laban kay Milan matapos matuklasan ng mga otortidad na hindi ito ang suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo kundi si Omar Mallari. Matapos mabawi ang kaso laban sa kaniya, sinabi naman ni Milan na hindi na siya magsasampa ng reklamo laban sa PNP. Lumagda pa ng waiver si Milan at sinabing wala syang balak balikan ang mga pulis sa kabila ng maling bintang at maling pag-aresto sa kaniya. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments...

Dating Sen. Revilla, tumestigo sa kanyang Pork Barrel scam case

  Sumalang si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa witness stand ng Sandiganbayan 1st division ngayong araw. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya’y tumestigo, para sa kanyang kinakaharap na P224.5 million plunder case kaugnay sa Pork Barrel scam. Giit ni Revilla, wala siyang tinanggap na kickbacks mula kay Janet Lim-Napoles. Bagama’t nakita na niya noon si Napoles, hindi raw sila masyadong magkakilala, at sa kanyang pagkaka-alala ay sa parties lamang sila nag-krus ng landas ng businesswoman. Naniniwala si Revilla na politically-motivated ang kaso laban sa kanya, lalo’t nag-anunsyo siya noon na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng partido niyang Lakas-CMD. Bago ang pagsalang ni Revilla, tumestigo muna ang book keeper ni Napoles na si Mary Arlene Baltazar. Aniya, wala raw kickbacks na ibinigay kay Revilla mula sa bogus na non-government organization o NGO ni Napoles. Nauna nang sinabi ni Marina Sula na diniktahan lamang siya ng mga taga-Office of the Ombudsman at...