‘Destab plan’ vs Duterte hindi galing sa Simbahang Katolika – CBCP
Mariing pinabulaanan ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang paratang na sangkot ang Simbahang Katolika sa umano’y tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Bishop Reynaldo Evangelista, public affairs chairman ng CBCP, wala itong katotohanan at gawa-gawa lamang ito ng sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon.
Ayon kay Bishop Evangelista, kung mayroon mang pagtatangka para patalsikin si Pangulong Duterte, hindi ito manggagaling sa Simbahan.
Una ng pinalutang ni Pastor Boy Saycon na ang tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte ay may kinalaman sa pagbatiko nito palagi sa Simbahang Katolika.
Dumistansya naman dito ang Malacañang at pinayuhan si Saycon na maging maingat sa paglalabas ng mga sensitibong impormasyon.
The post ‘Destab plan’ vs Duterte hindi galing sa Simbahang Katolika – CBCP appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar