Netizen nag-alok ng passport appointment, nakatikim sa DFA

Muling binalaan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mga fixer at scammer sa passport appointment.

Paalala ng DFA, ang anumang uri ng mapanlinlang na aktibidad ay may katapat na parusa, alinsunod sa batas.

Ang mga lalabag din ay mahahadalangan nang makapag-apply ng pasaporte.

Ang pahayag ng DFA ay kasunod ng isang insidente sa social media, kung saan isang netizen ang nagpost ng “Passport appointment, PM lang.”

Agad na tumugon dito ang DFA ay binantaan ang naturang netizen na irereport ito sa kaukulang otoridad upang maparusahan dahil sa ilegal na gawain.

Umani ng batikos ang DFA dahil sa pahirapang passport online application.

Pero sinabi ng ahensya na ginagawa nila ang lahatng paraan upang makapagbigay ng slots sa mga kukuha ng pasaporte.

Bukod sa online, nag-iikot na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa ang kanilang “Passports on Wheels.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Netizen nag-alok ng passport appointment, nakatikim sa DFA appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT