Lalaki patay sa engkwentro sa Quezon City

Nasawi ang isang lalaki, habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan matapos makaengkwentro ang mga pulis sa kahabaan ng SD Road Sierra Vista na sakop ng Barangay Nagkaisang Nayon sa lungsod Quezon.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang suspek.

Batay sa paunang impormasyon ng mga otoridad, nagtayo ng checkpoint ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sa lugar nang dumating ang dalawang motorsiklong may sakay na tatlo katao.

Sa video na kuha ng mga pulis makikita na bago pa makalapit sa checkpoint ay nag-U turn ang dalawang motorsiklo.

Kasabay nito ay pinaputukan ng mga sakay ng motorsiklo ang mga pulis.

Agad na hinabol ng mga otoridad ang mga kawatan at nauwi sa engkwentro ang insidente.

Dead on the spot ang isang lalaki na nakuhanan ng isang kalibre 38 revolver.

Samantala, isang biktima umano ng mga lalaki ang dumulog sa mga otoridad at sinabing tinangay mula sa kanya ng mga lalaki ang kanyang motorsiklo.

Kwento nito, tinutukan siya ng baril ng mga suspek bago pwersahang kinuha ang kanyang motor.

Mismong ang motor na narekober mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang sinasabi ng biktima na kanyang pag-aari.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, maging ang pagtugis sa mga kasamahan nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Lalaki patay sa engkwentro sa Quezon City appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT