BREAKING: 7 patay, 5 sugatan sa car bomb sa Basilan

Pito ang patay kabilang ang isang bata makaraang pasabugin ng isang suicide bomber ang isang sasakyan sa Lamitan City sa Basilan.

Sa ulat na nakalap ng Inquirer Mindanao mula kay Lamitan Vice Mayor Roderick Furigay kumpirmadong pito na ang nasawi sa insidente at mayroon pang lima na sugatan.

Kabilang sa nasugatan ang isang sundalo na kritikal ngayon ang kondisyon.

Batay sa inisyal na ulat, sumabog ang isang van sa checkpoint ng mga sundalo bahagi ng Sitio Bulanting, Martes (July 31) ng umaga.

Pinara pa umano ang van sa naturang checkpoint at kinausap ng mga otoridad ang driver nito at habang ginagawa ang inspeksyon ay bigla na lamang sumabog ang sasakyan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at sa kung ano ang grupo ang posibleng nasa likod nito, pero sinasabing foreign looking umano ang driver ng van.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post BREAKING: 7 patay, 5 sugatan sa car bomb sa Basilan appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT