5 patay sa pagsalpok ng jeep sa isang puno sa Jalajala, Rizal

 

Nasawi ang limang katao habang sugatan ang hindi bababa sa sampu na indibidwal makaraang sumalpok ang isang pampasaherong jeepney sa puno sa Jalajala, Rizal kagabi (June 30).

Naganap ang aksidente sa Sitio Biga, Barangay Bayugo, Jalajala.

Kabilang sa mga namatay ang drayber ng jeep na kinilalang si Francisco Abesamis, at kanyang misis na si Grace.

Nasawi rin ang mga pasahero ng jeep na si Winnie Rodriguez at mga batang nagngangalang Karyll at Kiell Aaron.

Batay sa imbestigasyon, matulin ang andar ng sasakyan na nag-overtake pa sa isang kotse.

May iniwasang lubak din ang jeep, pero nasobrahan sa kabig dahil may kasalubong na trak.

Doon na napatagilid ang jeep at sumalpok na sa isang puno ng narra.

Isinugod sa Rizal Provincial Hospital at Jalajala Municipal Hospital ang mga sugatang pasahero, at kasalukuyang nagpapagaling.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post 5 patay sa pagsalpok ng jeep sa isang puno sa Jalajala, Rizal appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT