1 patay, 6 arestado sa drug buybust sa Lucena

Isa ang patay, anim ang arestado habang isa ang nakatakas matapos salakayin ng mga pulis ang isang shabu drug den sa Lucena City kaninang umaga.

Ayon sa Lucena City Police Station o LCPS, naganap ang buybust operasyon sa Sibang Purok 2, Bangkusay, Barangay Dalahican dakong alas-sais ng umaga.

Kinilala ang napaslang na suspek na si George Marcon, habang ang nakatakas ay si Manuel Magpantay alyas fruitcake.

Ang mga naarestong suspek naman ay sina Mary Ann Magpantay, Jomar Bautista, Jhomark Rima, Rinato Tianela, Benji Leona at Edgar Arcilla.

Sinabi ng LCPS na ginawa ang drug buybust operation makaraang maireport na mayroong tiangge at drug den sa naturang lugar.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer, na nakabili naman ng hinihinalang shabu.

Ngunit nang makaramdam na pulis ang kanilang ka-transaksyon, ang mga suspek na sina Marcon at Magpantay ay bumunot ng mga baril at pinaputukan ang mga pulis.

Narekober sa crime scene ng isang piraso ng revolver na baril, drug paraphernalias at mga hinihinalang shabu.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post 1 patay, 6 arestado sa drug buybust sa Lucena appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT