Kaso laban sa mga artista at personalidad na sangkot na droga inihahanda na

Inaayos na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang case build-up laban ng ilang showbiz personalities, TV hosts at anak ng ilang kilalang personalidad na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nakuha nila ang pangalan ng mga nasabing mga personalidad mula kay Rajiv Gidwani.

Magugunitang nahuli ng mga tauhan si Gidwani na isang Indian national sa loob ng isang exclusive village sa Alabang, Muntinlupa City kamakalawa.

Nakuha mula sa supek ang ilang party drugs, marijuana at shabu at sa ginawang interogasyon ng mga otoridad ay kanyang inamin na supplier siya ng droga ng ilang mga celebrities.

Tinangka pang suhuluan ng ama ng suspek ang mga operatiba ng PDEA ng P1 Million kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso kay Gidwani subalit hindi ito pinansin ng mga otoridad.

Kinasuhan na si Gidwani ng paglabag sa paglabag sa anti-illegal drugs act samantalang sasampahan rin ng reklamo ang kanyang ama dahil sa tangkang panunuhol sa mga PDEA agents.

Tiniyak naman ng pinuno ng PDEA na wala silang sasantuhin sa kanilang operasyon laban sa droga.

Source link

The post Kaso laban sa mga artista at personalidad na sangkot na droga inihahanda na appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT