Chief of police ng San Rafael, Bulacan sinibak dahil sa katiwalian

Sinibak na sa pwesto ang hepe ng pulisya sa San Rafael, Bulacan.

Ito ang kinumprima ni Senior Supt. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan matapos masangkot sa isyu ng pangongotong ang mga tauhan ni Supt. Rizalino Andaya.

Ayon kay Bersaluna, command responsibility ang dahilan ng pagkakasibak kay Andaya.

Matagal na umanong sangkot sa ilang kaso ng katiwalian ang ilan sa mga pulis ni Andaya pero wala itong ginawa para disiplinahin ang kanyang mga tauhan.

Idinagdag pa ni Bersaluna na ganito rin ang sasapitin ng mga opisyal ng pulisya sa lalawigan na walang gagawing hakbang para ayusin ang disiplina sa hanay ng kanilang mga nasasakupan.

Pansamantalang papalitan si Andaya ni Police Chief Inspector Manuru Bantay Jr.

Source link

The post Chief of police ng San Rafael, Bulacan sinibak dahil sa katiwalian appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT