Alkalde ng Buenavista, Bohol payat sa pamamaril

Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang alkalde ng Buenavista, Bohol na si Ronald Lowell Tirol.

Ito ay matapos siyang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin sa Buenavista Cockpit Arena sa bayan ng Buenavista.

Batay sa imbestigasyon ng Police Regional Office 7, nasa nasabing lugar si Tirol nang pagbabarilin sa ulo ng tatlong salarin.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad namang isinugod sa Dagohoy Hospital sa Inabanga, Bohol ang alkalde upang malapatan ng lunas. Ngunit habang ginagamot si Tirol ay binawian ito ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang, kasabay ng pagtugis sa mga suspek.

Source link

The post Alkalde ng Buenavista, Bohol payat sa pamamaril appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT