Aktres na si Krista Miller laya na makaraang makulong dahil sa droga

Laya na ang aktres na si Krista Miller o Krystalyn Engle sa totoong buhay matapos mapawalang-sala sa kaso ng iligal na droga.

Nakalabas ng Valenzuela City Jail si Miller noong May 25 alinsunod sa kauutusan ni Judge Snooky Maria Ana Bareno-Sagay ng Valenzuela Regional Trail Court Branch 283.

Kinatigan ng korte ang apela ng aktres na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya ng prosekusyon.

Si Miller ay nakulong simula pa noong October 14, 2016 matapos siyang arestuhin kasama si Aaron Medina sa isang buy-bust operation sa lungsod.

Sa kanyang Facebook account ay pinasalamatan ni Miller ang mga taong tumulong sa kanya sabay ang pahayag na magbabalik siya sa showbiz.

Source link

The post Aktres na si Krista Miller laya na makaraang makulong dahil sa droga appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT