Task force binuo para sa pagresolba ng pagkakapatay kay Father Ventura

Bumuo na ng task force ang Cagayan Valley Regional Police upang imbestigahan ang pamamaslang kay Father Mark Ventura.

Sa isang pahayag, sinabi ng Police Regional Office 2 (PRO2) na ipinag-utos ni Chief Superintendent Jose Mario Espino ang pagbuo sa Special Investigation Task Group-Ventura para mabilis na ikareresolba ng kaso.

Matapos ang insidente ng pamamaril ay ipinag-utos ni Espino ang ‘intensified hot pursuit operations’ laban sa riding-in-tandem na nasa likod ng krimen.

Inatasan ni Espino ang lahat ng hepe sa bayan ng Gattaran na magtayo ng checkpoint sa lahat ng posibleng daanan ng mga salarin.

Ayon pa kay Espino, ipinag-utos niya sa lahat ng mga pulis na kanyang nasasakupan na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang makilala at maaresto ang mga suspek sa lalong madaling panahon.

Source link

The post Task force binuo para sa pagresolba ng pagkakapatay kay Father Ventura appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT