Streetsweeper nagpakamatay matapos iwan ng misis

Uminom ng silver cleaner ang isang streetsweeper sa Binondo, Maynila na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakilala ang lalaki na si Marcelo Flores Aguirre, 53 anyos, residente ng Vitas, Tondo, Maynila na napag-alamang iniwan ng kanyang misis.

Nag-iwan pa si Aguirre ng ‘suicide note’ na narekober sa tabi ng kanyang mga labi kung saan humihingi ito ng tawad sa kanyang mga anak.

Ang naturang ‘suicide note’ ay nakuha ng kaibigang tricycle driver ni Aguirre na si alyas Jeck-jeck.

Ayon kay SPO3 Donald Panaligan ng Homicide Section Manila Police District, nakita ni alyas Jeck-jeck ang nakalugmok nang si Aguirre sa nakaparada nitong sidecar sa panulukan ng Pinpin at Carvajal Streets.

Isang Rodel Baez, 40 anyos at isa ring tricycle driver pa ang umagaw sa silver cleaner kay Aguirre, hinagis ito sa ilog at kinumbinse itong masarap mabuhay.

Gayunman, nang bumalik anya siya sa terminal bandang tanghali ay nakita niya lamang na nagkakagulo ang mga tao at nadiskubre ang wala ng malay si Aguirre at hindi na humihinga.

Samantala, nabatid na malalaki na ang mga anak ni Aguirre kung saan ang bunso nitong anak na lalaki ay 19 anyos na.

Source link

The post Streetsweeper nagpakamatay matapos iwan ng misis appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT