Squad leader ng NPA sumuko sa otoridad sa Mountain Province

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang isang squad leader ang sumuko sa mga otoridad sa Paracelis sa Mountain Province.

Nakilala ang mga sumukong NPA na sina Rogelio del Rosario alyas Ka Eric na isang squad leader, at Benny Tuginay alyas Ka Manny.

Kapwa kabilang ang dalawa sa Frank Guerilla Unit na nag-ooperate sa Gonzaga, Cagayan.

Kasabay ng kanilang pagsuko sa Paracelis Municipal Police ang kanilang pag-surrender ng isang carbine rifle at dalawang magazine na kargado ng sampung bala; at isang M16 at isang magazine na kargado ng 5 bala.

Ayon kay Cordillera Police Regional Office information officer Chief Inspector Carolina Lacuata, titiyakin nila na maayos na makakabalik sa normal na pamumuhay ang dalawang sumukong rebelde.

Source link

The post Squad leader ng NPA sumuko sa otoridad sa Mountain Province appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT