Pari sa Gattaran, Cagayan patay matapos pagbabarilin

Dead-on-the-spot ang isang pari makaraang pagbabarilin pagkatapos magsagawa ng misa sa Gattaran, Cagayan, Linggo ng umaga.

Ayon kay CInsp. Rodel Tabulog, hepe ng Gattaran police, nilapitan at binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktimang si Fr. Mark Anthony Ventura pagkatapos ng isinagawang misa sa isang gymnasium sa Barangay PiƱa Weste dakong 8:00, Linggo ng umaga.

Si Fr. Ventura ay mula sa San Isidro Labrador ng Barangay Maubo.

Aniya, nakatakas agad ang suspek matapos dali-daling sumakay sa isang motorsiklo na nakaabang sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa pamamaril.

Source link

The post Pari sa Gattaran, Cagayan patay matapos pagbabarilin appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT