Pagbasura sa ENDO posible pa rin ayon sa Malacañang

Umaasa pa rin si Presidential Spokesman Harry Roque na magkakaroon pa rin ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para tuldukan ang endo o end of contractualization sa mga ordinaryong manggagawa.

Ayon kay Roque, may nakatakdang pagpupulong mamayang gabi sina Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III para talakayin kung ano ang magandang ireregalo bukas sa mga manggagawa.

Pangungunahan bukas ng pangulo ang Labor Day Celebration sa lalawigan ng Cebu.

Tiniyak naman ni Roque na maraming good news na ipinagkaloob ang pangulo sa mga manggagawa gaya halimbawa ang libreng tuition sa mga estudyante, libreng irgasyon at iba pa.

Sinabi pa ni Roque na tanging sa administrasyong Duterte lamang ang nagbigay ng libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Bukas ay may mga jobs fair rin na magaganap sa ilang mga lugar sa bansa.

Source link

The post Pagbasura sa ENDO posible pa rin ayon sa Malacañang appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT