Gaisano Grand Mall nasunog – DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa ikaapat na palapag ng Gaisano Grand Mall sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Alas-4:27 ng hapon ng Sabado nang magsimula ang apoy na umabot hanggang sa Task Force Alpha.

Ayon kay FO3 Ruffred Amores ng Lapu-Lapu City Fire Department, storage room ng mga kagamitan sa bahay at diaper ang nasa ikaapat na palapag ng nasabing mall.

Maswerte namang hindi kumalat ang apoy sa katabing gusali, at wala ring naitalang nasugatan o namatay dahil sa sunog.

Ayon pa kay Amores, ligtas ang lahat ng mga empleyado ng mall.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang pinsala na idinulot nito.

Source link

The post Gaisano Grand Mall nasunog – DZIQ Radyo Inquirer 990AM appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT