Ateneo wagi kontra UP sa Filoil Preseason Cup

Pinataob ng Ateneo de Manila Blue Eagles ang koponan ng University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang naging tapatan para sa Filoil Flying V Preseason Cup.

Natapos ang laro sa iskor na 100-72, pabor sa Blue Eagles. Kaya naman sa ngayon 3-0 ang win-loss record ng Ateneo, habang 0-3 naman ang Fighting Maroons.

Pinangunahan ni Anton Asistio ang Ateneo matapos nitong magtala ng 14 puntos. Sinundan naman siya ni Raffy Verano na nakapagbigay naman ng 11 points.

Para sa UP, si Bright Akhuetie ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 20 points.

Samantala, sa kasunod na laban para sa Filoil Preseason Cup ay tinalo ng College of St. Benilde ang Jose Rizal University sa iskor na 104-83. Habang wagi naman ang Mapua Cardinals laban sa Emilio Aguinaldo College sa iskor na 77-74.

Source link

The post Ateneo wagi kontra UP sa Filoil Preseason Cup appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT