2 drug suspects, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Pasig

 

Patay ang dalawang drug suspects makaraan umanong manlaban sa mga pulis sa West Bank Road Brgy. Manggaahan Pasig City.

Ayon kay Police Sr. Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City police, nagsagawa ng buy bust operation ang kanilang Drug Enforcement Unit nang maganap ang engkwentro.

Isang Kimron Fontejon alyas Kim at isang hindi pa kilalang lalaki na kasama nito na sakay ng isang motorsiklo ang katransaksiyon ng mga operatiba sa lugar.

Nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksiyon, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba na naging sanhi ng kamatayan ng 2 suspek.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente.

Source link

The post 2 drug suspects, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Pasig appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT