‘Walang special treatment kay Faeldon; kasama niya ibang inmates’ – BJMP

Ihinalo at hindi ihiniwalay ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si dating Customs chief Nicanor Faeldon sa mga preso ng Pasay City Jail.

Ito ay kasunod nang pagtitiyak na walang dapat special treatment na matatanggap si Faeldon sa pagkakalipat nito ng kulungan mula sa Senado.

Ayon kay S/Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP, nasa isang common cell area ngayon ang dating Customs chief kasama ang nasa mahigit 100 inmates.

“For the moment doon muna siya mags-stay. Wala siyang higaan. Matigas ang higaan. Medyo masikip yung area natin sa taas. Meron lang kaming maliit na espasyo. We would like to reiterate walang special treatment na pwedeng ibigay ang BJMP sa kanila.”

Sa pagtatala ng tanggapan, may 830 percent congestion sa Pasay City Jail, kung saan nasa halos 1,000 preso ang nakapiit ngayon sa kabila ng 200 maximum lang sa kabuuan, kung kaya talagang siksikan umano ang kinalalagyan ni Faeldon.

Gayunpaman, nagagalak pa rin daw si Faeldon pagkat nararamdaman daw nitong hindi siya nag-iisa kumpara noong naka-detine pa siya sa Senado kung saan nag-iisa lang ito kahit araw-araw nabibisita ng mga kaanak.

Samantalang sa city jail ay makakasalamuha umano ni Faeldon ang mga inmates at may visiting hours na ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon mula Martes hanggang Biyernes.

Habang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon lamang kapag sa Sabado at Linggo.

Wala namang schedule ng pagbisita kung araw ng Lunes.

Binigyan diin din ni S/Insp. Solda na walang ibang pwedeng magbigay direktiba sa pagkaka-detine ngayon ni Faeldon kung hindi ang mataas na kapulungan ng Kongreso lamang.

Ito ay sa kabilang nang pagkakatala rin bilang deputy administrator ni Faeldon sa Office of Civil Defense.

Source link

The post ‘Walang special treatment kay Faeldon; kasama niya ibang inmates’ – BJMP appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT