Mga Kristiyanong negosyante dapat tanggapin sa Marawi City – Pres. Duterte

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranao na tanggapin ang nga Kristiyanong mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Marawi City.

Sa pagdalo ng pangulo sa groundbreaking ceremony para sa construction ng bagong military camp sa Old City Hall sa Marawi City, sinabi nito na kailangan na magtulungan ang mga Kristiyanong at Muslim para maging progresibo ang Marawi.

Giit ng pangulo, “You will need the Christians as the Christians need the Muslim population”.

Target ng pangulo na mabigyan ng mas mabuting buhay ang mga taga Marawi kaysa sa kinagisnang buhay na ibinigay ng kanilang mga ninuno.

Muli ring hinimok ng pangulo ang mga taga Marawi na huwag nang hayaang makapasok muli sa kanilang komunidad ang mga terorista at maging mapagmatyag para hindi na maulit ang madugong Marawi siege.

Source link

The post Mga Kristiyanong negosyante dapat tanggapin sa Marawi City – Pres. Duterte appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT