Chinese ships sa West Phl Sea nadagdagan; Phl nag-aerial patrol gamit ang Japanese aircraft

Nadagdagan pa ngayon ang mga barko ng China sa may bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Nasa siyam na barko umano ng China ang namataan sa Scarborough shoal kung saan apat dito ay barko ng Chinese Coast Guard at apat na unknown Chinese vessels at isang Chinese fishing vessel.

Habang apat na fishing boats naman ng mga Pinoy ang nakita sa lugar.

Ito ay batay sa isinagawang aerial reconnaisance patrol ng Philippine Navy ngayong araw gamit ang donasyong Beech craft King Air C-90 aircraft ng Japan.

Ang C-90 ang pinakabagong commissioned fixed-wing aircraft ng Philippine Navy.

Ayon kay Northern Luzon Command spokesperson Lt. Col. Isagani Nato na ang deployment ng C-90 aircraft ay para i-monitor ang lugar sa mga kilalang mga shoal na matatagpuan sa West Philippine Sea.

Ang paglipad ng C-90 aircraft nitong Miyerkules ang siyang kauna-unahang misyon ng eroplano.

Tiniyak naman ni Nato na gagamitin ng NolCom ang lahat ng kanilang mga available assets and resources para protektahan ang teritoryo ng bansa kabilang ang northern maritime areas.

Habang lumilipad ang C-90 aircraft ay walang napansin ang mga Philippine Navy pilots na nagsagawa nang “challenge” sa kanila ang China.

Dakong alas-9:45 nitong umaga ng Miyerkules nang lumipad ang C-90 aircraft sa may bahagi ng Bajo de Masinloc na may taas na 800 feet above sea level.

Ayon naman kay Commodore Sean Anthony Villa, deputy commander ng Philippine Fleet, na malaking tulong sa pagbabantay ng karagatan ng Pilipinas ang donasyong aircraft ng Japan.

Sinabi ni Villa na dati rati ay limitado ang capability ng Pilipinas na magsagawa ng regular aerial patrols sa maritime areas ng bansa.

Pero sa ngayon aniya meron nang C-90 aircraft na fully-equipped ng surveillance equipment ay magagawa na ng Pilipinas na bantayan at i-monitor ang mga developments sa West Philippine Sea.

Source link

The post Chinese ships sa West Phl Sea nadagdagan; Phl nag-aerial patrol gamit ang Japanese aircraft appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT