2 pulis-Caloocan, naghain ng ‘not guilty’ sa pagpatay kina Carl Arnaiz at Kulot de Guzman

 

Naghain ng not guilty plea ang dalawang bagitong pulis na nakasuhan ng murder, torture at frameup kaugnay ng pagkamatay ng mga kabataang sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Magugunitang sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng tig-dalawang counts ng murder at torture, habang tatlong counts naman ng planting of evidence ang mga pulis ng Caloocan City na sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.

Inihain ng DOJ ang mga nasabing kaso noong nakaraang linggo sa Caloocan City Regional Trial Court Branch 122.

Bagaman hindi pa naglalabas ng commitment order si Judge Georgina Hidalgo, humiling na ang abogado ng dalawang pulis na panatilihin na lang sa kustodiya ng National Capital Region Police Office sina Perez at Arquilita para sa kanilang kaligtasan.

Source link

The post 2 pulis-Caloocan, naghain ng ‘not guilty’ sa pagpatay kina Carl Arnaiz at Kulot de Guzman appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT