Suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg, hawak na ng Federal Security Service ng Russia

Nasa kustodiya ng Federal Security Service (FSB) ng Russia ang isang suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg kamakailan.

Umabot sa labing tatlo katao ang nasugatan dahil sa nasabing pambobomba.

Ayon sa FSB, ikinulong ang suspek kahapon, pero hindi na nagbigay ng mga detalye ukol sa kanyang pagkakakilanlan.

Isinailalim na dinsa pagtatanong ng Investigative Committee ng Russia ang nasabing suspek.

Una nang inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nasabing pagsabog na naganap sa Perekrestok supermarket sa St. Petersburg.

Pero hindi naman nakapagbigay ng anumang ebidensya ang militanteng grupo na magpapatunay na sila ang nasa likod ng pambobomba.

Source link

The post Suspek sa pambobomba sa isang supermarket sa St. Petersburg, hawak na ng Federal Security Service ng Russia appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT