Isang sanggol namatay matapos ihulog ng sariling ama

Patay ang isang mag-iisang buwang gulang pa lamang na babaeng sanggol matapos itong ibagsak ng kanyang sariling ama.

Batay sa report ng Cauayan Police Station, nagtatalo umano ang lasing na si Jolito Alandroque at kanyang asawa nang maganap ang naturang insidente.

Kasabay ng pagtatalo ng mag-asawang Alandroque ay walang humpay naman ang pag-iyak ng kanilang anak.

Dahilan ito para lalong mainis si Jolito at kinuha ang anak bago ito ibinagsak sa sahig ng kanilang bahay.

Makalipas ang isang oras ay namatay ang bata.

Kasong parricide ang isasampa laban kay Jolito.

Source link

The post Isang sanggol namatay matapos ihulog ng sariling ama appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT