Banta ng CPP-NPA vs Duterte patunay na sila’y terorista – Palasyo

Iginiit ng Malacañang na pinapatunayan lamang ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang pagiging kalaban ng estado at terorista sa pinakabago nilang pagbabanta sa Duterte administration.

Magugunitang lumabas ang pahayag ng CPP-NPA na sa 2018 daw nila pababagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, ang ganitong pagbabanta ay nagpapakitang tunay silang kalaban ng estado, maging ng taongbayan.

Ayon kay Sec. Andanar, hindi lamang si Pangulong Duterte o ang gobyerno ang nais pabagsakin ng CPP-NPA kundi ang sambayanang bumoto at nagluklok sa pangulo.

Kaya hindi na raw mahihirapan ang korte sa pagdedesisyong teroristang organisasyon ang CPP-NPA gaya ng deklarasyn ni Pangulong Duterte dahil sa bantang ito ng mga komunista.

“Kasi alam mo naman na kung ang isang grupo na organisado ay gustong pabagsakin ang gobyerno ay ibig sabihin hindi lang ho ‘yung Pangulo ‘yung nilalabanan nila kung di ‘yung buong sambayanan na bumoto doon sa Pangulo, ‘di ba? Because ang ating Pangulo po ay elected. Democratically elected at nanumpa bilang Pangulo ng ating bansa supported by the entire nation. So, kung gustong pabagsakin ng CPP-NPA-NDF ang ating Pangulo, pinapabagsak din nila ang gobyerno, ibig sabihin they are really enemies of the state and they are enemies of the people,” ani Sec. Andanar.

“Well, alam mo naman na nagsabi na ho ang Pangulo natin na sila po ay maituturing na terorista at hinihintay na lang natin ‘yung pasya ng korte ‘di ba? Na sila po talaga ay maging ganap na isang terrorist organization. Then, itong sinasabi na nila na pinapalabas sa kanilang press release na pababagsakin nila ang ating bansa, ang ating gobyerno. So siguro hindi na mahihirapan ang korte na i-proklama o i-deklara silang terorista talaga.”

Source link

The post Banta ng CPP-NPA vs Duterte patunay na sila’y terorista – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT