Babaeng nahuli sa CCTV na nanloob sa isang bahay sa Valenzuela, arestado

Timbog sa Valenzuela City ang isang babaeng nahuli sa CCTV camera na nanloob sa isang bahay sa Barangay General Tiburcio De Leon.

Kinilala ang suspek na si Liza Forlo, tatlumput tatlong taong gulang.

December 21 nang unang makita sa CCTV ng bahay ni Ginang Milagros Leonardo ang panloloob ni Forlo, kung saan tinangay nito ang isang cellphone at tablet.

Muli na naman itong sumalakay kaninang madaling araw ngunit nakita ito ng kanyang mga biktima na sina Arvin Balanday at Jonathan Sison, dahilan para tumakbo papalayo ang suspek.

Sinundan at naabutan ng mga biktima si Forlo sa loob ng isang nakaparadang jeep, kaya naman tumawag na sila ng mga kawani ng barangay na silang nagdala sa himpilan ng mga pulis.

Desidido ang mga biniktima ni Forlo na sampahan ito ng kasong pagnanakaw.

Source link

The post Babaeng nahuli sa CCTV na nanloob sa isang bahay sa Valenzuela, arestado appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT