6% na Pilipino ang nakatupad sa kanilang 2017 New Year’s resolution – SWS

Kakaunting Pilipino lamang ang nakatupad ng kanilang New Year’s resolution ngayong taon batay sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng isinagawang pag-aaral mula December 8 hanggang 16, 46% na Pinoy ang nagsabing gumawa ng listahan ng nais baguhin sa pagpasok ng 2017.

Ngunit, anim na porsyento lang sa mga ito ang nagsabing “all or almost all” sa mga resolusyon ay natupad habang 12% naman ang “most”, 23% ang “few at apat na porsyento ang “almost none or none.”

Sa mga sumagot ng “all or almost all” at “most”, karamihan sa mga ito ay nagmula sa classes ABC na umabot sa 25% habang 19% naman sa class E at 18% sa class D.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents kung saang 300 katao mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Source link

The post 6% na Pilipino ang nakatupad sa kanilang 2017 New Year’s resolution – SWS appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT