30% ng mga lugar sa Marawi City, cleared na sa mga explosives – AFP

Nasa 30 porsiyento na umano ng mga lugar sa lungsod ng Marawi ang na-clear na ng AFP engineers mula sa mga improvised explosive device (IED) lalo na sa mga unexploded ordnance, partikular ang mga lugar na lubhang naapektuhan sa labanan sa pagitan ng militar at mga teroristang Maute.

Nabatid na ang clearing operations ay kasunod ng nagpapatuloy na rehabilitation efforts sa siyudad.

Ayon kay Major Gen. Arnold Rafael Depakakibo, chief engineer ng AFP, ongoing pa rin ang kanilang misyon na alisin ang mga pampasabog sa mga apektadong lugar.

Sinabi ni Depakakibo na as of December 15, nasa kabuuang 2,853 assorted unexploded ordnance at 415 IED na ang narekober ng engineering personnel ng AFP.

Aniya, ginawa nila ang clearing sa pamamagitan ng suporta at tulong mula sa Explosives and Ordnance Disposal Company ng AFP at K-9 Teams mula sa Philippine Army at Philippine Air Force.

Inihayag din nito na nakumpleto na ng Joint Engineering Task Group (JETG) ang clearing operations sa halos 20 kilometro na mga primary at secondary roads, tatlong major bridges, isang eskwelahan at tatlong places of worship.

Tumutulong din umano ang AFP engineers sa kanilang ginagawang limited construction support sa mga government agencies na involved sa pagsuporta at pag-maintain sa mga evacuation centers.

Umaasiste rin ang JETG sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa pagbuo sa 500 temporary shelters para sa mga evacuees kung saan nasa 250 units na ang na-award last week.

Habang ang natitirang 250 units ay nakatakdang ibahagi sa susunod na buwan.

Sa ngayon daw nasa higit 500 military engineers ang kasalukuyang naka-deploy sa Marawi City sa ilalim ng JETG.

“Over the course of the Marawi conflict, military engineers provided support to operating troops in the area which include route reconnaissance and surveys; road and site clearing operations; wall breaching and timber cutting operations; and constructions of ramps and flat forms for Mechanized Assets,” pahayag ni Depakakibo.

Source link

The post 30% ng mga lugar sa Marawi City, cleared na sa mga explosives – AFP appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT