2 security guard, patay sa pamamaril sa isang hotel-casino sa Las Vegas

Patay ang dalawang security guard matapos pagbabarilin sa isang hotel-casino sa Las Vegas.

Ayon sa Las Vegas police, nag-iimbestiga lamang ang dalawang security guard sa tila ay gulo sa isang kwarto sa Arizona Charlie’s Decatur Hotel nang pagbabarilin ng suspek.

Sugatan din ang suspek matapos itutok sa kanyang sarili ang ginamit na baril.

Kinilala naman ang suspek na si Christopher Olague, na nagawa pang makatakas at nagtangka rin na pasukin ang dalawang bahay pero hindi nagtagumpay matapos itaboy ng mga residente.

Bagaman hindi pa batid ang motibo, sinabi ni Capt. Robert Plummer na walang kinalaman sa terorismo ang pamamaril.

Naganap ang naturang insidente bandang alas siyete ng umaga ng Sabado sa Las Vegas Strip.

Ayon kay Lt. Dan McGrath, natagpuan si Olague sa loob ng isang laundry room kung saan niya binaril ang kanyang ulo.

Source link

The post 2 security guard, patay sa pamamaril sa isang hotel-casino sa Las Vegas appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT