‘191 firecracker related cases; lowest in 5 yrs’ – DoH

Pinakamababa na sa nakalipas na limang taon ang recorded firecracker injuries sa sa pagsalubong sa taong 2018.

Ito ang malugod na ibinalita ni Health Sec. Francisco Duque III, na itinuturing niyang tagumpay ng gobyerno at ilang pribadong sektor, sa tulong ng media.

Sa talaan ng DoH, 77 percent na mas mababa umano ang 191 cases na kanilang nai-record mula noong Disyembre 21, 2017.

Pinakamarami pa rin sa mga naputukan ay mula sa Metro Manila, na may 115 cases o katumbas ng 60 percent.

Kasunod dito ang Western Visayas na may 15 cases.

Habang pare-parehong may 13 kaso sa Central Luzon, Calabarzon at Bicol region.

Sa Metro Manila, nangunguna ang Maynila na may 63 injuries, sinusundan ng Quezon City na may 14, pangatlo ang Pasig City na may 11 at anim naman mula sa Valenzuela.

Inaasahang madadagdagan pa ang naturang data, lalo’t ilang report ang hindi nakahabol sa cut off time ng DoH ngayong araw.

Source link

The post ‘191 firecracker related cases; lowest in 5 yrs’ – DoH appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT