12 ang patay kabilang ang isang buong pamilya sa plane crash sa Costa Rica

Patay ang labingdalawang katao sa pagbagsak ng isang mallit na eroplano sa northwest ng Costa Rica.

Kabilang sa nasawi ang limang miyembro ng isang pamilya na pawang American tourists.

Sakay ng eroplano ang 10 turista mula Amerika at dalawa crew nang ito ay bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Guanacaste, Costa Rica.

Lima sa mga nasawi ay ang mag-anak na sina Bruce, Irene, Matthew, William at Zachary Steinberg.

Ang iba pang biktima ay sina Thibault Astruc, Amanda Geissler, Charles Palmer, Leslie Weiss, Sherry Wuu at ang mga piloto na sina Emma Ramos at Juan Manuel Retana.

Sa larawan mula sa Public Safety Ministry ng Costa Rica, halos hindi na makilala ang eroplano at tanging sunog na mga bahagi na lamang nito ang makikita sa crash site.

Patungo sana sa Juan Santamaria International Airport ang eroplano nang ito ay mag-crash.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

The post 12 ang patay kabilang ang isang buong pamilya sa plane crash sa Costa Rica appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT