1 patay, 5 sugatan sa pagpapasabog sa Maguindanao

Agad na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ng limang iba pa ang pagsabog na naganap sa Shariff Aguak sa Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Max Kaibat, habang ang mga sugatan naman ay sina 03 Jalison Abdullah, P01 Archie Ansare Amelista, Ricardo Almonia, P01 Alimodin Nuphay, at P01 Zainoden Abdullah. Lahat sila ay mga kawani ng Shariff Aguak Municipal Police Office.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga biktima nang matamaan ng pampasabog ang kanilang sasakyan.

Kasalukuyang nagpapagamot ang mga sugatan sa Maguindanao Integrated Provinicial Hospital.

Samantala, patuloy pa ang clearing operations at imbestigasyon na sinasagawa ng mga otoridad.

Pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagpapasabog.

Source link

The post 1 patay, 5 sugatan sa pagpapasabog sa Maguindanao appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

A Photo worth A Thousand Words: Elders Stand in Bus While the Young Ones Fail to Offer Seats

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT