Postingan

P33M sinisingil ng MIAA sa Xiamen Air dahil sa runway closure

Kinumpirma ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na umakyat na sa P33 Million ang halaga ng pananagutan ng Xiamen Air dahil sa insidenteng kinasangkutan nila sa Ninoy Aquino International Aiport kamakailan. Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Monreal na ang nasabing halaga ay bilang kabayaran sa pagsasa-alis ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Air sa runway ng NAIA. Sasagutin rin ng nasabing airline company ang bayan sa ilan pang mga ginastos dulot ng naturang insidente. Sa pagharap ng mga kinatawan ng Xiamen Air ay kanilang sinabi na babayaran nila ang lahat ng mga gastusin. Sa pagdinig ng Senado ay inisa-isa naman ng mga airline company ang kanilang ginastos bilang ayuda sa mga pasahero. Gusto nila na mapanagot ang Xiamen Air sa nasabing aberya sa paliparan na nagresulta sa pagkaparalisa ng NAIA sa loob ng 36 na oras. Sinabi naman ni Sen. Grace Poe na siyang pinuno ng komite na dapat ay maglatag ng mga panuntunan ang MIAA ...

Mga kabataan sa shabu viral video tutulungan ng Malacañang

Hindi mag-aatubili ang Malacañang na tulungang sumailalim sa rehabilitasyon ang mga kabataang gumagamit ng droga sa viral video na sumuko na sa Malabon Police Station. Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, mayroong mga rehabilitation center ang gobyerno na handang tumulong sa mga nalulong sa illegal drugs kung talagang gusto nilang magbago. Aminado si Go na talagang nakakagalit ang viral video ng mga kabataan lalo pa at ipinakita ng mga ito ang kanilang ginagawang pag-hithit ng marijuana, minura at binastos pa si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kalihim labis na nakakabahala ang inasal ng mga kabataang sangkot sa droga dahil puwede itong gayahin ng iba pang kabataan kaya hindi puwedeng hindi ito seryosohin. Para hindi na madagdagan pa ang mga kabataang nalululong sa droga ay itutuloy ng pamahalaan ang kampanya laban sa illegal drugs ayon pa kay Go. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of...

Hidilyn Diaz isa na ngayong “sergeant” sa Philippine Air Force

Makaraang magdala ng karangalan sa bansa, binigyan ng promotion ng Philippine Air Force si Asian Games weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz. Sa isang simpleng seremonya sa Villamor Airbase makaraan ang ginanap na welcome ceremony ay itinaas sa sergeant mula sa airwoman first class ang military rank ni Diaz. Si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nanguna sa nasabing programa. Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Diaz na itutuloy niya ang pagtulong sa mga kabataang gustong sumunod sa kanyang mga yapak sa larangan ng sports. Bahagi rin ng kanyang mga matatanggap na gantimpala ay ilalagak niya sa pagpapa-ayos ng kanyang itinayong sports gym sa Zamboanga City. Bukod sa promotion ay tumanggap rin si Diaz ng iba pang citation mula sa pamunuan ng Philippine Air Force. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our...

Martial law extension sa Mindanao posible ayon sa Malacañang

Aminado ang Malacañang na pinag-aaralan na nila ang posibilidad ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao kasunod ng pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat. Ikinatwiran ni Executive Sec. Salvador Medialdea na kailangang matiyak ang kaligtasan ng publiko kaya ipinatutupad ang batas militar. Nananatili kasi ang banta ng mga pag-atake mula sa mga teroristang grupo ayon pa sa opisyal. Ang naganap na pagpapasabog kagabi kasabay ng pista sa bayan ng Isulan ay nagresulta sa kamatayan ng dalawa katao at pagkasugat ng 37 iba pa. Kanina ay inilagay na rin sa full-alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police sa Mindanao. Ang Armed Forces of the Philippines naman ay naglagay na rin ng dagdag na mga checkpoints. Sa December 31, 2018 magtatapos ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao makaraan itong mabigyan ng extension nang dalawang beses. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebuda...

Bicam report sa P100B coco levy trust fund lusot na sa Senado

Niratipikahan na ng Senado ang bicameral committee report na magiging susi para magkaroon ng trust fund na aabot sa P100 Billion para sa 3.5 milyong magniniyog sa bansa. Nabatid na ang pinag-isang bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay naaprubahan noon pang Agosto 1. Si Sen. Cynthia Villar ang naghatid ng sponsorship speech para sa committee report sa magkakaibang probisyon ng Senate Resolution 1233 at House Bill 5745. Magugunita na sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pinamadali nito sa Kongreso ang pagpasa ng mga panukala para magkaroon ng trust fund ang mga coconut farmers. Ang pondo ay mula sa ari-arian at benepisyo mula sa coconut levy o ang buwis na siningil mula sa mga magniniyog noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we d...

P20K na ayuda sa mga tsuper ng PUJ inihirit ng LTFRB

Isusulong ng pamahalaan na gawing apat na beses na mas malaki o P20,000 sa susunod na taon ang kasaluyang P5,000 na natatanggap ngayon ng mga tsuper bilang pang ayuda sa Pantawid Pasada Program. Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra III na hindi pa naman ito pinal dahil dedepende pa ito kung maaprubahan ang budget ng kongreso. Sa kasalukuyan, halos P1 Billion ang inilaang ayuda ng gobyerno para sa may 179,000 na jeepeney driver at operator sa buong bansa. Kasabay nito, sinabi ni Delgra na nagdagdag na ng security feature ang Land Bank of the Philippines para masiguro na hindi magagamit sa ibang bagay ang P5,000 na ayuda dahil ekslusibo ito para lamang sa gas allocation. Babala ni Delgra, kapag ginamit ang fuel card sa pagwi- withdraw o ipinangbili sa ibang bagay, otomatikong magpa-flag down ang Landbank sa may hawak ng card at kung lalabas na ito’y di nagamit sa tama, malaki ang posibilidad na ma-bla...

Mindanao inilagay sa full-alert status ng PNP

Isinailalim na sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police sa buong rehiyon ng Mindanao. Ito ang  naging kautusan ni PNP Chief Oscar Albayalde at mananatili ang full alert status habang umiiral ang martial law sa rehiyon. Nangangahulugan ito na kanselado ang lahat ng days-off at leaves ng lahat ng mga tauhan ng PNP bilang tugon sa banta ng mga pag-atake ng mga kalaban ng pamahalaan. Pasado alas-otso ng gabi kahapon ay isang pagsabog ang naganap sa Barangay Kalawag 3 sa bayan ng Isulan, Sulatan Kudarat habang ipinagdiriwang ang Hamungaya Festival sa lugar. Dalawa ang naitalang patay samantalang 37 iba ang sugatan sanhi ng pagsabog na umano’y kagagawan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF). Ipinag-utos na rin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalagay ng dagdag na checkpoint sa ilang mga lugar para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily...