Postingan

Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa Davao Occidental alas-11:59 kagabi. Naitala ang episentro nito sa layong 132 kilometro Silangan ng Sarangani. May lalim lamang na isang kilometro ang pagyanig at tectonic ang dahilan. Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng lindol appeared first on - News Portal Philippines .

NCRPO iimbestigahan ang pamamaslang sa suspek na pumatay sa prosecutor ng Ombudsman

Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) tungkol sa pamamaslang sa sinasabing suspek na pumatay naman kay Office of the Ombudsman Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Tanyag noong June 4. Matatandaang kahapon, July 28, nang tangkain umanong agawin ni Angelito Avenido Jr. ang baril ni PO2 Ramil Langa habang isinasailalim sa booking procedure sa Kampo Karingal. Dahil dito ay pinaputukan ni Langa si Avenido na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Ayon kay NCRPO director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, maging ang mga pulis na naroon sa booking procedure ni Avenido ay isasailalim din sa imbestigasyon. Ayon naman sa chief of staff ng Kampo Karingal na si Police Senior Superindentent Sydney Villaflor, bagaman mayroong posibilidad na makasuhan si Langa ng homicide ay maituturing itong worst case scenario. Aniya, sumunod lamang sa protocol si Langa. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect th...

PDEA kinundena ang pamamaslang sa isa sa kanilang agent

Mariing kinundena ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamamaslang sa isa sa kanilang ahente sa Cebu City. Sa isang pahayag ay sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na titiyakin nilang makakamit ang hutisya sa pagkamatay ni Investigation Agent III Earl Rallos. Aniya isang gawain ng mga duwag ang pamamaslang sa kawani ng PDEA na masigasig na ginagawa ang kanyang trabahong supilin ang kalakaran ng iligal na droga. Dagdag pa ni Aquino, bagaman pinaslang ang isa sa kanilang mga agents ay ipagpapatuloy ng ahensya ang kanilang laban kontra sa industriya ng iligal na droga. Pagtitiyak pa nito, para sa mga nagbabalak na saktan ang kanilang mga kawani ay sisiguraduhin nilang ang kapalit nito ay mas maigting pang kampanya kontra droga at hindi sila magpapasindak sa mga kriminal. Hindi aniya sila titigil hanggang mawakasan na ang problemang panlipunang ito. Matatandaang Huwebes nang hapon nang pagbabarilin ni Rallos ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Capito...

Ex-PNoy hiniling ang transparency ni Pangulong Dutrte tungkol sa West Philippine Sea dispute

Humihirit si dating Pangulong Noynoy Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte na maging transparent kaugnay sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno laban sa China ukol sa West Philippine Sea dispute. Pakiusap ni Aquino sa pangulo, ipakita ang mga negosasyon na pinasok ng gobyerno para mawala ang agam-agam ng taumbayan na hinayaan ng Pilipinas ang China na kamkamin ang mga isla sa West Philippine Sea. Matatandaang sa ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na bagaman maganda na ang relasyon ng dalawang bansa ngayon, hindi ito nangangahulugan na isinusuko na ng Pilipinas ang mga teritoryo sa China. Hindi rin komportable si Aquino sa ibinibida ng pangulo na hinahayaan na ng China ang mga Pilipinong mangingisda na makapangisda sa West Philippine Sea. Katwiran ni Aquino, ang Pilipinas ang mayroong exclusive economic zone sa lugar kung kaya mali na sabihing pinahihintulan na ng China na makapangisda ang mga Pilipino sa naturang lugar. Disclaimer: The comments uploa...

Anak ni Sen. de Lima tumanggap sa kanyang Prize for Freedom Award

Tinanggap ni Israel de Lima, anak ng nakakulong na si Senadora Leila de Lima ang Prize for Freedom Award na iginawad sa kanyang ina ng Liberal International sa Novotel Manila sa Quezon City. Pinarangalan ng Liberal International ang senadora dahil sa kanyang patuloy na pagdepensa sa karapatang pantao. Sa mensahe ni de Lima na binasa ng kanyang anak, sinabi nito na dahil sa kanyang patuloy na pagdepensa sa karapatang pantao, hamantong ito sa kanyang pagkakakulong sa Camp Crame. Pero sa kabila ng pagkakulong, sinabi ni de Lima na pakiramdam niya ay blessed pa rin siya dahil sa paniniwalang ginawa niya ang tama. Kasama ni Israel na tumanggap sa award ang mga kapartido ng senadora na sina Liberal Party president Senador Francis Pangilinan at LP chairperson at Vice President Leni Robredo. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to ...

Sarangani niyanig ng lindol | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Naramdaman ang isang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Kiamba, Sarangani. Alas-8:37 ng gabi nang maramdaman ang naturang pagyanig. Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, 1km lamang ang lalim ng lindol na naitala sa 32km timogkanluran ng Kiamba. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks o anumang pagkasira sa mga ari-arian ang lindol. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Sarangani niyanig ng lindol | DZIQ Radyo Inquirer 990AM appeared first on - News Portal Philippines .

Lindol naramdaman sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental. Naganap ang lindol kaninang alas-9:05 ng gabi. Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng pagyanig sa 134km timogsilangan ng bayan ng Sarangani. May lalim itong 8km at tectonic ang origin. Walang inaasahang aftershock o pagkasira sa ari-arian ang pagyanig. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Lindol naramdaman sa Davao Occidental appeared first on - News Portal Philippines .