Postingan

PNP: Walang krimen na naitala sa pananalasa ng Bagyong Ompong

Inahalintulad ang Bagyong Ompong sa laban sa ring ni Filipino boxing icon Senator Manny Pacquiao. Sa briefing ng National Disaster Risk Reduction Council (NDRRMC), sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana Jr., walang naitalang malaking krimen sa nakalipas na 24 oras kasabay ng pananalasan ng bagyo. Ayon kay Durana, ito ay dahil siguro inayos muna ng mga masasamang loob ang kanilang bahay. Pabiro pa nitong sinabi na parang Pacquiao match ang Bagyong Ompong. Pero hindi anya dapat magpakampante ang mga pulis dahil hindi malinaw ang pag-iisip ng mga gumagawa ng krimen. Nag-deploy ang PNP ng 6,887 na mga pulis lalo na sa evacuation centers para matiyak ang payapa at maayos na paglikas ng mga biktima ng bagyo. Samantala, pinasalamatan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga magnanakaw, mamatay tao dahil hindi sila gumawa ng krimen at hindi nagdagdag ng pasakit sa bansa sa gitna ng masamang panahon. Sana anya ay ituloy ng mga ito na...

Hong Kong, Macau at Guangzhou flights kanselado dahil kay Bagyong Ompong

Nag-anunsyo na ang ilang airline companies ng kanselasyon ng kanilang flights patungong China bunsod ng hagupit ng Bagyong Ompong. Sinabi ng PAGASA sa kanilang 11pm press briefing na patungo ng Southern China ang Bagyong Ompong na ngayon ay tinatawag na ult na Typhoon Mangkhut. Sa abiso ng Manila International Airport Authority, 11 domestic flights at 44 international flights na pawang patungong Hong Kong, Macau at Guangzhou ang kanselado ngayong araw, Sept 16. Kanselado ang mga sumusunod na flights. NAIA TERMINAL 1 AIR CHINA (CA) CA 180 MANILA-BEIJING HONG KONG AIRLINES (HK) HK 782 MANILA-HONGKONG NAIA TERMINAL 2 PHILIPPINE AIRLINES (PR) PR 313 HONGKONG-MANILA PR 300/301 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 318/319 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 306/307 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 310/311 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 312 MANILA-HONGKONG PR 382/383 MANILA-GUANGZHOU-MANILA PR 352/353 MANILA-HONGKONG-MANILA NAIA TERMINAL 3 CEBU PACIFIC AIR (5J) 5J 272/273 MANILA-HONGKONG-MANILA 5J 110/...

Pangulong Duterte, bibisita sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong

Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang impormasyon ay ipinaalam sa kanya ni Special Assistant to the Presidente Bong Go. Sinabi anya ni Go na oras na may go signal na mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay lilipad ang Pangulo sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo. Una rito ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nanatili sa Maynila si Pangulong Duterte at minonitor ang sitwasyon. Tiniyak din ni Roque na kapag may clearance na sa CAAP ay personal na aalamin ng Pangulo ang kundisyon ng mga biktima ng Bagyong Ompong. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Pangulong Duterte, bibisita...

Ilang lugar sa Metro Manila hindi kaagad maibabalik ang suplay ng kuryente

Mahigit sa 430,000 mga Meralco customers ang apektado ng biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan. Sa panayam ng Radyo Inquirer, ipinaliwanag ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na maraming linya ng kuryente ang apektado ng malakas na hangin dulot ng bagyong Ompong. May ilang mga punong kahoy ang sumabit sa mga kawad ng kuryente na siyang naging dahilan ng power outage. Hindi rin masabi ni Zaldarriaga kung kailan maibabalik ang normal na suplay ng kuryente dahil nananatiling malakas ang ihip ng hangin sa ilang mga lugar. Pahirapan rin ang repair sa mga sirang linya dahil sa lubog sa tubig baha ang ilan sa mga lugar ng kanilang mga customers. Umapela rin sa publiko si Zaldarriaga na huwag pakialaman ang mga linya ng kuryente dahil ito ay mapanganib. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude com...

Pagasa nagbabala ng baha sa Pangasinan dahil sa San Roque Dam

Nanganganib na lumubog sa tubig-baha ang malaking bahagi ng lalawigan ng Pangasinan makaraang magpakawala ng tubig ang San Roque Dam. Sinabi ni Pagasa Hydrologist Richard Orendain na pasado alas-singko ng hapon kanina ay nagsimula nang magpakawala ng tubig ang nasabing dam na may elevation na 274 meters. Kailangan umanong magpakawala ng tubig para maiwasan na masira ang nasabing dam. Walong oras makaraang magbukas ng spilling gates ay inaasahang aabot sa ilang mga bahay ang tubig mula sa nasabing dam na magreresulta sa baha. Ito ay mangyayari kapag umapaw ang Agno river na siyang pangunahing dinadaanan ng tubig mula sa nasabing dam na isa sa pinaka-malaki sa bansa. Sinabi ni Orendain na posibleng bahain ang mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Sta. maria, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang. Noong October ng taong 2009 ay umabot sa 63 ang casualty at P7.4 Billion ang halaga ng mga pananim at ari-arian na nasira makaraang bahain ang nasabing mga lugar dahil...

Zero casualty sa Bagyong Ompong naitala sa Region 2

Walang naitalang casualty ang mga otoridad sa buong Region 2 o Cagayan Valley kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Ompong. Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ito ay dahil sa mahigpit na pagsunod ng mga residente sa lugar sa mga pag-iingat na naunang nang ibinahagi ng pamahalaan. Bagaman sa lalawigan ng Cagayan makikita ang pinakamalaking pinsala ng bagyo ay masaya na rin ang opisyal dahil walang namatay dito sa pagdaan ng bagyo. Sinabi rin ni Lorenzana na ang bayan ng Baggao ang pinaka-grabeng nasalanta dahil dito unang tumama ang malakas na hangin at ulan na dala ng Bagyong Ompong. Hindi bababa sa 1,000 kabahayan ang winasak ng bagyo maliban pa sa mga linya ng kuryente at komunikasyon ayon pa sa opisyal. Nangako naman si Lorenzana na siya ring pinuno ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mabilis na ipadadala ang tulong sa mga sinalantang lugar. Sa ngayon ay naghihintay pa ang NDRRMC ng mag ulat mula sa mga lalawigan ng Isabela at Batanes na ...

7 lalawigan mananatiling madilim sa magdamag dahil kay Ompong

Hindi pa matiyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung kailan maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente sa pitong lalawigan na dumaranas ngayon ng total power outage. Ito ay resulta pa rin ng pananalasa ng Bagyong Ompong sa malaking bahagi ng Luzon. Kabilang sa mga lalawigan na walang suplay ng kuryente ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Kalinga Apayao, Abra, Mountain Province at Nueva Vizcaya. Sinabi ng NGCP sa kanilang advisory na apektado ng malakas na hangin at buhos ngulan ang kanilang mga transmission line sa malaking bahagi ng Luzon. Kabilang naman sa mga lalawigan na may bahagyang suplay ng kuryente ay ang mga lalawigan ng Pangasinan, Benguet, Zambales at La Union. Aminado si NGCP Operations and Maintenance Head Gil Listano na hindi kaagad maibabalik ang suplay ng kuryente dahil sa malakas pa rin ang hangin sa nasabing mga lugar. Kailangan rin nilang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan na magsasagawa ng inspeksyon sa mga apektadon...